Musica, pregunta formulada por alexa201036, hace 2 meses

gawain sa pagkatuto bilang 1: manaliksik tungkol sa mga instrumentong bumubuo sa bandang rondalla.isulat ang katangian ng bawat isang instrumento.isulat ito sa talahanayan sa baba.gawin ito sa iyong kuwaderno.​

Adjuntos:

Respuestas a la pregunta

Contestado por maynordelacruz863
0

Respuesta:

hola que tal como estasmmmmm

Contestado por JESUSXD57
3

Answer:

Bandurya, oktabina, laud, baho de arko

Explanation:

1.Ang bandurya ay may maraming kuwerdas. Mayroon itong tatlong kuwerdas sa bawat tono. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng “pick” na pinagpapabalikbalik nang mabilis sa isang tono ng magkakalapit na kuwerdas. Ito ay maaaring ihambing sa soprano. Karaniwang tinutugtog nito ang pangunahing himig o melodiya.

2.Ang oktabina ay mas malaki kaysa bandurya at ang hugis ay tulad ng isang gitarang maliit. Tulad ng bandurya ay marami rin itong kuwerdas na tinutugtog sa pamamagitan ng “pick”. Ito ang tenor ng grupo sapagkat mataginting ang timbre nito.

3.Ang hugis ng laud ay tulad ng sa bandurya subalit ito ay mas malaki nang kaunti. Ang laud ay may maraming kuwerdas at tinutugtog tulad ng sa bandurya at oktabina. Mababa ang tunog ng laud at ito ang sumusuporta sa melodiya. Ito ang alto ng rondalya.

4.Ang baho de arko ang pinakamalaking instrumento ng rondalya. Kasintaas ito ng tao kaya’t ang tumutugtog nito ay nakatayo. Apat lamang ang kuwerdas ng baho de arko at ang mga ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pagkalabit ng mga daliri. Matataba ang kuwerdas nito kaya’t ang timbre ay mababa.

Otras preguntas